Hello,
Eto na naman ako, hay napansin ko napakabilis ng araw ngayon parang kagabi lang ako nagsimula magblog, eto ako ulit.hehehe...napuyat ako actually, almost 3 o' clock a.m. na rin ako natapos pero 9:00 a.m. nagising na ako dahil may mga gagawin akong gawaing pang girl..hahaah!!! buti na lang at maaga ako nakatapos dahil sinama ako sa session about sa road of right of way and may iba pang nasingit sa lakad.Sinamahan ko yung pamangkin ko na magparegister sa city hall dahil ready na sya bumoto next year.!
Sa lahat ng mga kabataan na nasa tamang edad na, magparegister na kayo at makiisa sa mga aktibidad ng bayan.Maraming nagmamagaling sa lipunan kesyo magtatag ng ganitong batas para malabanan ang kahirapan at gutom sa bansa pero tingnan mo sa daan,maraming mga bata na namamalimos para lang may makain sa maghapon.Maraming walang trabaho dahil walang oppurtunity sa bansa natin,yung ibang kabataan dahil sa walang mapasukan kung ano na lang ang nakikitang option yon na lang ang gagawin.Mga mamamayan ng Pilipinas na nagmumukhang mababa sa ibang bansa dahil minamaliit ng mga dayuhan,binabastos, sinasamantala at pinapahirapan.
Sana naman sa mga susunod na generation maisip naman nila kung ano maganda sa bayan di yung puro na lang bulsa ko wala ng laman!!! mangurakot muna tayo!di naman halata eh..Yun ang problema sa mga nahalal,nasisilaw sa pera kaya nagiging gahaman na, meron naman di ginagawa ang kanilang tungkulin sa tao.
Sa mga gustong tumakbo next year go! go!go!!! unahin nyo ang kapakanan ng tao bago kayo.
Tuesday, May 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment